Sa mga oras na to gising na gising pa ko.Nakatingin sa kalangitan at nakalutang sa kawalan.
Dahil unti unti na Kong nasasanay na wala kana sa mga bisig ko.
Unti unti na Kong nasasanay na hindi ka hinahanap hanap sa bawat pag gising at sa gabi na bago matulog.
Yung tala ko na unti unti ng nawawala ang ning ning.Eto na nga ba ang syang kinakatakutan ko na pag tanggap sa katotoohang wala kana,oo wala ka nang tuluyan sa mga bisig ko at patuloy ka nang nag papakasaya sa buhay mo at sa pag pili mo na iwanan na lamang ako.
Ayos lang dahil unti unti kona rin tinatanggap ang bagsik nang pakikipag laro ng tadhana sakin na tila akoy nakikipag patintero Kay kamatayan.
Kay kamatayan sa unti unti pagka wala ng mga ning ning mo upang bawiin pa iyon at baka sakaling may masalba pa.
Pero bigla Kong naalala ikaw nga palay nang iwan dahil sa sariling pag nanasa at tawag ng laman sa iba.
Sana'y aking mahal lumigaya ka sa piling ng mga pag nanasa mo.
Ang tala ko na akala ko'y hindi kukupas ang pag ning ning at ang liwanag nito!
Kasabay ng pag kawala ng iyong ning ning at liwanag ay sya rin kasabay nang pag patay sayo sa aking puso't isipan.
PAALAM SA AKING TALA

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento