Hi,kamusta kana nga pala.Siguro masaya kana sa bisig ng bagong kasintahan mo,siguro naibibigay nya ang mga bagay na Hindi ko maibigay noon sayo, siguro sa araw araw na kasama mo sya maganda rin ang mga ngiti mo sa pang araw araw.
Yung tala ko na noon sobrang linaw kapag tinitingala ko sa langitan sa twing sasapit ang gabi.Linaw na kasing linaw ng pag mamahal ko sayo noon at hanggang ngayon sana,pero ilang araw na rin lumalabo ang liwanag mo sa twing sasapit ang gabi hudyat na rin ba ito na unti unti na kitang nakakalimutan at unti unti ng nawawala ang pag mamahal ko sayo.Hindi ko masabi na nawawala na ito,kahit mawala pa ang liwanag ng tala ko sa langit Hinding Hindi ko makakalimutan ang mga ala ala na pinag saluhan natin noon ang mga panahon na tila ang sarap balikan.Ako na lang ba ang bumabalik o nakakaalala ng mga panahon na tayo pa na tayo pa ang mag kasama na ako pa ang nasa mga bisig mo m,baka ako na lang ako na lang nga siguro.
Alam ko darating rin ang mga araw na ako naman ang sasaya o magiging masaya sa bisig ng tamang tao nailalaan sakin ng Diyos.Sa ngayon tala hahayaan kona muna ang isip at puso ko na kusang mapagod sa kakaisip sayo sa araw araw at mapagod sa pag asa na babalik pa ang kinang at liwanag mo sa piling ko,hahayaan kona muna ang sarili ko na mag mukhang tanga sa kakaasa sa walang bagay.Ilang bwan na lang mag iisang taon na rin na wala tayo pero ikaw nakahanap na ng iba samantalang ako takot na takot na umibig pang muli.Hindi ko alam aabante o aatras ba ko o mag stay na lang muna ako dito kung saan mo ko iniwan na luhaan at sugatan.
Pero Hindi e Hindi ako papayag na ikaw lang ang masaya.Hindi man ako umibig ngayon,pipiliin ko na lang gugulin ang buhay ko sa tamang paraan para makalimutan ka ng tuluyan,para tuluyang mapagod ang puso at isip ko sa kakaisip sayo.Oras na para sarili ko naman ang isipin ko.
Makakabangon rin ako....
12-11-14
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento