Linggo, Hunyo 17, 2018

Paalam Kuya Micah





Sa pag lisan ng taong mahal natin sa buhay may mga bagay na tila pag sisihan natin sa huli.Ganon pa naman mas nanaisin natin na maging masaya sila sa huling hininga nila,mas nanaisin natin na wala ng hirap at kirot silang mararamdaman pa dahil sa sakit na kalagayan nya.

Hindi man ako naniniwala sa kasabihan na sa langit pupunta ang mga mahal natin na namayapa na,pero tila nais kong maniwala na mas nanaisin kong isipin at ilagay sa akin isipan na nan dyan lamang sila at binabantayan tayo.Nan dyan lamang sila para alalayan tayo sa mga pag subok natin sa buhay.

Tayo na lang ang naiwan upang dalahin ang mga alaala nila na naiwan saatin,tayo na lang ang naiwan upang ipag patuloy ang mga pangarap nila.

Mayroon man silang bagay na hindi nagawa bago sila lumisan sa mundong ito,hangad naman natin ang ipag patuloy ito at ipag patuloy ang buhay natin para sa mahal natin na namayapa.

Hindi kapanipaniwala at tila ang bilis ng pangyayari ngunit kailangan nating tanggapin ito,masakit man isipin at mga bagay na sana sana sana nagawa ko sana nakausap ko sana naipadama ko sana nakapag paalam ako pero huli na ang lahat.Sana bumalik ang mga oras na bago ka man mawala ay nasa tabi mo kameng lahat at hindi ka lumisan sa mundo na pakiramdam mo na nag iisa ka lang at walang karamay.

Pero sa ngayon alam namin na masaya kana kuya wala ng hirap wala ng pighati o kirot man na ikaw na nararamdaman,alam ko kasama mo na si papa God at hindi ka nya papabayaan mahal na mahal ka namin kuya.Titingin lang kame sa langit dahil alam namin na nan dyan ka lang para sa amin.

Paalam Kuya Micah
Micah Shina P. Fabian
June 13,2018 10:40 pm
is SIGNING OFF!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento