Sana dumating rin ako sa ganyang sitwasyon na tatawanan ko na lang ang lahat.
Sa relation kailangan nyong pahalagahan ang isa't isa.Kung isa lang ang nag papahalaga mananawa rin at mapapagod rin ang taong nag papahalaga. Kahit gaano ka pa nya kamahal mananawa at mananawa rin sya kung hindi mo sya kayang pahalagaan at ang relation nyo.
Oo, masaya ang mag mahal ika ma inlove pa nga. Masaya in a way na kasi alam mong may nag mamahal sayo may nag aalaga sayo at may concern sayo. Pero kapag ldr o long distance relationship pala LUMILIPAS rin pala yung kasiyahan na yun. Noong una makakaramdam ka pa ng kilig sa twing makakausap mo sya sa skype or chat na halos yung ngiti mo hindi na mawala sa mukha mo kasi kinikilig ka.
Pero biglang nawala lahat ng yun after nya mag vacation dito. Yung dating oras na nailalaan nya sayo dati noong hindi pa kayo nag kikita personally ngayon nawala na dahil sa sobrang busy nya. Ok lang naman naiintindihan ko naman at nauunawaan yung sitwasyon nya. Bakit sa twing day off nya lagi nyang kausap at kasama mga tropa at katrabaho nya sa apartment nila ako na kausap nya sa chat laging naiiwan, nag hihintay sa reply nya na hindi mo malaman kung mag rereply ba o hindi minsan nakakatulugan kona nga yung pag hihintay sa reply nya.
Ngayon ko lang naranasan manlimos ng oras sa pag mamahal. Namimiss ko yung dating sya nahalos laging excited na kausapin ka. Pero wala na nag laho na minsan napapaisip na lang ako saan ba ko nag kamali at nag kulang binigay ko naman na lahat sa kanya. Tinangkap ko kung sino sya at yung nakaraan nya. Oh baka ang pag kakamali ko sa pag bigay ko ng LAHAT. Baka hindi pa sya nakuntento sa meron ako. Simpleng babae lang naman ako at grabe kung mag mahal, nag effort ako dahil gusto ko iparamdam na kahit malayo sya na mahal ko sya. Bakit sa kanya parang wala lang lahat ng ginawa at mga sinakripisyo ko para sa kanya. Ni hindi ko maramdaman yung effort nya para sa relationshiop namin bakit ba dahil nakuha na nya lahat sakin. Medyo malamig na yung pakikitungo nya at kulang sa oras,yan yung ibang mga bagay na hindi nya mapansin. Sa ldr oras para sa isat isa ang mahalaga kasi malayo kayo.
Alam ko may problema sya inuunawa ko yun. Pero bakit ako hindi nya maunawaan na bigyan nya ng oras na makausap sya. Sa twing nag uusap na lang kame laging away dahil sa mga pinag gagawa nya na pinag awayan na dati at naayos na, tapos gagatungan nya pa init ng ulo mo. Wala na kapupuntahan tong relation na to. Minsan na nga lang mag usap ni halods ako na nan lilimos ng oras para makausap sya tapos ganito lang mangyayari. Bakit hindi marunong madala at mag tino sa nangyari na.
Ilang beses kona syang pinag bigyan dahil gusto ko maayos yung relation namin. Ilang beses kona kinakain lahat ng sinasabi ko dahil hindi ko sya kayang mawala. Pero bakit paulit ulit na lang nya ginagawa. Hindi nya ba alam na napapagod rin naman ako ipaunawa sa kanya at ipaintindi sa kanya yung mga pag kakamali nya na ginawa na nya. Oo mahal ko sya kahit ayaw ng family ko sa kanya tinalikuran ko lahat ultimo religion ko para lang sa kanya. Pero bakit parang wala lang lahat sa kanya yun,is he worth it?
Pero ngayon sya nag papakita ng motibo na kailangan kona syang ilet go. May hangganan rin kameng mga babae napapagod rin kame.
*lalaki ba sya? Hindi nga sya marunong mag effort sa long distance relationship. Tapos ako patatanungin ng gagawin nyang effort. Supposed to be ikaw ang mag iisip nyan kasi ikaw ang mag papakita sa babae kung gaano mo sya kamahal at na mahalaga sya sayo. Kahit sa simpleng bagay lang. Pero wala.
P.S. sana ginawa mo na lang akong friend tapos ako tiga advice mo ewan ko na lang.
Bwiset!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento