Hindi ko alam kung bakit ako nan dito at kung bakit ako tinahak ng aking mga kamay. Pero dahil nan dito na rin naman ako,sasabihin kona ang aking nadarama.
Sa twing mag kasama tayo gustong gusto kong tinititigan ang iyong mukha habang ikaw ay nag kukwento ng mga nakaraan mo, habang patuloy ka na nag kukwento at ako'y nakatitig sayo tila nagiging back ground lang iyong boses sa aking mga tenga. Dati ang paborito kong pag masdan ang kalangitan sa gabi at mga nag nining ning na mga bitwin na tila may nais hilingin. Napa isip ako ikaw na nga ba ang bitwin na sinasabi nila.Ikaw na nga ba?
Ang aking bitwin sa gabi, at liwanag sa umaga.
Bakit tila napakahirap tayo pag tagpuin ng tadhana.Nag kikita man ngunit hindi sapat ang iksi ng panahon sa saglitang pag sasama. Ngunit kahit alam natin ang solusyon sa pagitan ng mundo ng bawat isa tila hindi magawa dahil sa hirap ng sitwasyon. Kaya mapapatingala na lang at titingin sa kalangitan at mapapa bulong "nasan ka?ano kayang ginagawa mo?na mimiss na kita,sana nan dito kana" ang pag mamahal na tila napakahirap pag tagpuin ng tadhana sa kadahilanan ng dalawang malaking hadlang ang panahon at ang mga taong nag mamahal saamin na tila labag sa relasyon na ito.
Tanging ang tadhana na lamang ang makakapag sabi kung tayo ay mag tatagpo pa.
p.s;I've deleted this for how many times and repost it again,why?just a simple thing because he was been part of my life forever although the relationship was not successful to meet our goals together,people commit mistakes other tends to forgive many times,others don't like chances at all. (: paalam 12-11-13

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento