Sabado, Agosto 27, 2016

Hindi ko Alam kung paano ka mabibitiwan!


*insert: inside out by chainsmokers

Ilang inspiration kanta pa ba ang mapapakinggan bago ko tuluyang sabihin sa aking sarili na limot na kita.

ayoko Kong isipin pinipigilan Kong ibalik sa aking isipan ang magagandang alaala na binigay mo ang magagandang Plano na binuo natin.Kaya ako natatakot mag plano natatakot ako na ang kakalabasan nito ay hindi para sa atin.Pero sa twing na aalala ko ang lahat napapangiti at nang lulumo na lang ako,na tila wala kana sa aking mga kamay na tila iba na ang gusto kapitan ng mga iyong kamay.

Ayoko mapagod mag hintay mahal ko,dahil hindi ko pa kaya na makita ka na may hawak at kasamang iba at tila masayang masaya kayo.

Ilang gabi pa ba ko magiging tulala at mag sisinungaling sa aking sarili na hindi na kita kailangan na hindi na kita mahal,sa twing sinasabi ko ito sa aking sarili Alam ko Alam ko niloloko ko lang sarili ko mahal.

Babalik ka pa ba sa mga bisig ko?
tinanong kita ang sagot mo ay oo.
Pero bakit tila hindi ko maramdaman at mas ramdam ko ang pag tago mo ng iyong
mga lihim na may napupusuan kang iba.

Mahal naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayo noon,kapag dumating ang araw na may gusto o may mahal kanang iba sabihin mo lang sa akin.Handa akong bitawan ka para sa ikakasaya mo.Wag mo na lang sana Kong paasahin na may dapat pa Kong asahan,dahil mahal nasasaktan rin naman ako tao lang rin naman ako tao na itinuring ng mga magulang ko.Wag mo naman sana Kong ituring na parang isang basura pag katapos ng lahat sa atin.

Mahal gusto kona sumuko pero kumakapit pa rin ako dahil mahal pa kita.Ako ba mahal mo pa ba tulad ng dati?Mahal mo rin ba ko tulad ng pag mamahal ko sayo?at pag mamahal ng pamilya ko sakin?Kasi kung oo,bakit hindi ko nakikita?at ako na lang ba ang lumalaban sa atin ako na lang ba ang nag mamahal ng sobra saatin?

Paki usap mahal ko sabihin mo kung kailangan kona mag preno napapagod na ko naisipinna mahal na mahal mo pa ko at umasa sa wala.

Napapagod na rin ako isipin na iba na ang babaeng nag bibigay ngiti sa iyong mga mukha.Sana mahal ko maging masaya ka sa kanya,itago mo man ang katotoohan balang araw at sa tamang panahon lalabas rin ang lahat.

Paki usap ko lamang bitawan Mona ko at wag na paasahin pa dahil napapagod na ko UMasa sa wala.Tama na muna yung ikaw ang masaya sa ating dalawa,tama na muna na ikaw ang inspired sa araw araw.Bitawan Mona ko kung wala ng natitirang pag mamahal dyan sa puso mo para sakin.Ayoko ng awa mo..

Salamat sa lahat aking mahal.

-lalaine );


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento