Lunes, Agosto 29, 2016

Kapag mahal mo mahal mo

Minsan tayong mga babae sobrang moody hindi na nga alam kung kaya pa natin ihandle pag ka moody natin. Pero naiisip nyo rin ba kung paano tayo pinag titiisan ng mga partner natin dahil lang sa Mood swing natin,oo nahihirapan rin sila may mga lalaki na ayaw ipakita na naiinis na sya sayo dahil naisip nya e na mahal ka nya.Ano ba naman ang mood swing sa pag mamahal diba.

Eto girls kung tayo may mood swing na hahandle nila. Pero na isip nyo ba hindi lahat ng lalaki may mood swing rin. The only things na makakaya natin ihandle ang lalaking mahal natin ay una (1.) yun yung ingatan syang mapalapit sa tukso.Oo lapitin talaga ang mga ibang lalaki sa tukso lalo na sa panahon ngayon minsan kahit anong ingat natin sa kanila hindi maiiwasang lumiko yan. Dyan na mag sisimula ang gulo sa relation minsan may hihingi pa ng space mag babaka sakali kung mag wwork out sya sa ibang Babae. Hayaan lang natin sila right nila yan. Although super sakit na satin wala naman tayong choice kung hindi irespeto sila.Don't worry marerealize rin yan na mahal ka nya at babalik sayo yan.

Pangalawa (2.) Aminin man natin o hindi girls sa simpleng bagay minsan nag seselos tayo mas lalo na syempre sa malaking bagay or issue third party o whatsoever. Kahit magalit tayo umiiyak na sa galit,nanggagalaiti na sa galit,sinusumpa sya sa galit,sarap balatan ng buhay,nag mumura lahat na ng mura sinabi. Well ganyan tayo girls aminin nyo man o hindi. Yung ganitong pakiramdam girls tapos yung mga boyfriend natin pa chill chill lang,sineseen ka seen lord e,nag vvideo games na lang,hahaha echapwera ka yan feel mo kaya mas lalo kang naiinis,girls ang totoo magaling lang sila mag tago ng nararamdaman nila ganyan ang mga lalaki.Nasasaktan rin sila ng sobra ayaw lang nila ipakita pero kapag mag isa na lang yan lutang rin yan,malungkot,nag iisip kung paano ka lalambingin para lang mawala toyo mo, galit or selos mo. Para maayos lahat. Kaya minsan intindihin rin natin sila kung bakit daldal tayo ng daldal tapos sila tahimik lang. Tao lang rin yan nasasaktan may pakiramdam rin.

pangatlo (3.) Matuto tayo mag patawad at makalimot. Oo nagagawa natin mag patawad o patawarin sila pero aminin mo kapag big deal yung issue about sa third party o ibang Babae binabalik mo o sinusumbat mo sa kanya lahat ng nagawa nya.Which is alam nating Mali big "X" kasi mas lalo lang lalaki ang gulo at mas lalo lang syang masasaktan at maiinis satin at mauuwi sa hiwalayan.Kapag mahal na mahal mo talaga sya utang na loob kalimutan Mona mga nagawa nyang kalokohan lalaki yan hindi rin perpekto natutukso rin.Pero diba ang mas mahalaga Alam mo na IKAW LANG ANG MAHAL NYA at sayo lang rin sya babalik. Kaya girls kung pano nila naiintindihan pag ka moody natin at pagiging selosa mag paka martir ka lang kung talagang mahal mo dahil sa huli malalaman mo rin na ikaw pala talaga ang mahal nyan.

"Kung para kayo sa isat isa kahit anong challenges pa dumating sa relation nyo,at in and out kayo,kung para sa inyo para sa inyo.Kaya matuto tayo pahalagahan ang mga karelation/partner natin dahil mahal na mahal natin sila."

sa dami naming pinag daanan,I'm still proud to have him,Love you so much :*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento